Mga Taga-Roma 11

Hindi itinakwil ng Diyos ang kanyang mga mamamayan na sa simula paʼy pinili na niya. Hindi ba ninyo natatandaan ang sinasabi ng Kasulatan nang ireklamo ni Propeta Elias sa Diyos ang mga Israelita?

Romans 11:2 (UKJV) God has not cast away his people which he foreknew. Know all of you not what the scripture says of Elijah? how he makes intercession to God against Israel saying,

1Ito ang tanong ko ngayon: Itinakwil na ba ng Diyos ang mga taong pinili niya? Aba, hindi! Ako mismo ay isang Israelita, mula sa lahi ni Abraham at kabilang sa lahi ni Benjamin.

2Hindi itinakwil ng Diyos ang kanyang mga mamamayan na sa simula paʼy pinili na niya. Hindi ba ninyo natatandaan ang sinasabi ng Kasulatan nang ireklamo ni Propeta Elias sa Diyos ang mga Israelita?

3Sinabi niya, “Panginoon, pinatay po nila ang inyong mga propeta at winasak ang inyong mga altar. Ako na lang po ang naiwang buháy at gusto pa nila akong patayin.”

4Ngunit ano ang isinagot sa kanya ng Diyos? “Nagtira ako ng pitung libong lalaki na hindi sumasamba kay Baal.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.