2Hindi itinakwil ng Diyos ang kanyang mga mamamayan na sa simula paʼy pinili na niya. Hindi ba ninyo natatandaan ang sinasabi ng Kasulatan nang ireklamo ni Propeta Elias sa Diyos ang mga Israelita?
3Sinabi niya, “Panginoon, pinatay po nila ang inyong mga propeta at winasak ang inyong mga altar. Ako na lang po ang naiwang buháy at gusto pa nila akong patayin.”
4Ngunit ano ang isinagot sa kanya ng Diyos? “Nagtira ako ng pitung libong lalaki na hindi sumasamba kay Baal.”
5Ganoon din ngayon, mayroon pang mga natitirang hinirang ng Diyos dahil sa kanyang biyaya.
6Ngayon, kung ang pagkapili sa kanila ay dahil sa kanyang biyaya, hindi na ito batay sa kanilang mabubuting gawa. Sapagkat kung batay sa mabubuting gawa, hindi na ito biyaya.