Mga Taga-Roma 11

Ngayon, kung ang pagkapili sa kanila ay dahil sa kanyang biyaya, hindi na ito batay sa kanilang mabubuting gawa. Sapagkat kung batay sa mabubuting gawa, hindi na ito biyaya.

Romans 11:6 (UKJV) And if by grace, then is it no more of works: otherwise grace is no more grace. But if it be of works, then it is no more grace: otherwise work is no more work.

4Ngunit ano ang isinagot sa kanya ng Diyos? “Nagtira ako ng pitung libong lalaki na hindi sumasamba kay Baal.”

5Ganoon din ngayon, mayroon pang mga natitirang hinirang ng Diyos dahil sa kanyang biyaya.

6Ngayon, kung ang pagkapili sa kanila ay dahil sa kanyang biyaya, hindi na ito batay sa kanilang mabubuting gawa. Sapagkat kung batay sa mabubuting gawa, hindi na ito biyaya.

7Ngayon, masasabi nating hindi nakamtan ng mga Israelita ang kanilang hinahangad. Ang mga hinirang ng Diyos mula sa kanila ang siyang nagkamit nito, ngunit ang iba sa kanilaʼy pinatigas niya ang puso.

8Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Binigyan sila ng Diyos ng manhid na isip, mga matang hindi makakakita at mga taingang hindi makarinig hanggang sa araw na ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.