5Ganoon din ngayon, mayroon pang mga natitirang hinirang ng Diyos dahil sa kanyang biyaya.
6Ngayon, kung ang pagkapili sa kanila ay dahil sa kanyang biyaya, hindi na ito batay sa kanilang mabubuting gawa. Sapagkat kung batay sa mabubuting gawa, hindi na ito biyaya.
7Ngayon, masasabi nating hindi nakamtan ng mga Israelita ang kanilang hinahangad. Ang mga hinirang ng Diyos mula sa kanila ang siyang nagkamit nito, ngunit ang iba sa kanilaʼy pinatigas niya ang puso.
8Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Binigyan sila ng Diyos ng manhid na isip, mga matang hindi makakakita at mga taingang hindi makarinig hanggang sa araw na ito.”
9Sinabi rin ni David: “Maging bitag sana ang kanilang masaganang hapag-kainan, parang patibong na magdadala sa kanila ng kapahamakan, kasiraan, at kaparusahan.