Mga Taga-Roma 11

Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Binigyan sila ng Diyos ng manhid na isip, mga matang hindi makakakita at mga taingang hindi makarinig hanggang sa araw na ito.”

Romans 11:8 (UKJV) (According as it is written, God has given them the spirit of slumber, eyes that they should not see, and ears that they should not hear;) unto this day.

6Ngayon, kung ang pagkapili sa kanila ay dahil sa kanyang biyaya, hindi na ito batay sa kanilang mabubuting gawa. Sapagkat kung batay sa mabubuting gawa, hindi na ito biyaya.

7Ngayon, masasabi nating hindi nakamtan ng mga Israelita ang kanilang hinahangad. Ang mga hinirang ng Diyos mula sa kanila ang siyang nagkamit nito, ngunit ang iba sa kanilaʼy pinatigas niya ang puso.

8Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Binigyan sila ng Diyos ng manhid na isip, mga matang hindi makakakita at mga taingang hindi makarinig hanggang sa araw na ito.”

9Sinabi rin ni David: “Maging bitag sana ang kanilang masaganang hapag-kainan, parang patibong na magdadala sa kanila ng kapahamakan, kasiraan, at kaparusahan.

10Lumabo nawa ang kanilang mga mata nang hindi sila makakita, at magpakailanmaʼy magkandakuba sa bigat ng mga pasanin nila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.