Mga Taga-Roma 10

Itoʼy sa dahilang hindi nila alam kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang isang tao. Nagsikap silang gumawa ng sariling pamamaraan sa halip na sundin nila ang pamamaraan ng Diyos.

Romans 10:3 (UKJV) For they being ignorant of God's righteousness, and going about to establish their own righteousness, have not submitted themselves unto the righteousness of God.

1Mga kapatid, ang ninanais at dinadalangin ng aking puso sa Diyos ay ang kaligtasan ng aking mga kalahing Hudyo.

2Ako na rin ang makakapagpatunay na masigasig sila sa kanilang paglilingkod sa Diyos, kaya nga lang ay hindi ayon sa tamang kaalaman.

3Itoʼy sa dahilang hindi nila alam kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang isang tao. Nagsikap silang gumawa ng sariling pamamaraan sa halip na sundin nila ang pamamaraan ng Diyos.

4Sapagkat tinupad na ni Kristo ang Kautusan, kaya ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay ituturing ng Diyos na matuwid.

5Ganito ang isinulat ni Moises tungkol sa taong itinuturing ng Diyos na matuwid batay sa Kautusan: “Ang taong sumusunod sa Kautusan ay mabubuhay nang ayon sa Kautusan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.