3Itoʼy sa dahilang hindi nila alam kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang isang tao. Nagsikap silang gumawa ng sariling pamamaraan sa halip na sundin nila ang pamamaraan ng Diyos.
4Sapagkat tinupad na ni Kristo ang Kautusan, kaya ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay ituturing ng Diyos na matuwid.
5Ganito ang isinulat ni Moises tungkol sa taong itinuturing ng Diyos na matuwid batay sa Kautusan: “Ang taong sumusunod sa Kautusan ay mabubuhay nang ayon sa Kautusan.”
6Ngunit ganito naman ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa pagiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya: “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ba ang aakyat sa langit?’ (upang ibaba si Kristo).
7O di kayaʼy, ‘Sino ang bababa sa lugar ng mga patay?’ (upang ibangon si Kristo mula sa mga patay).”