Mga Taga-Roma 10

Ngunit ganito naman ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa pagiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya: “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ba ang aakyat sa langit?’ (upang ibaba si Kristo).

Romans 10:6 (UKJV) But the righteousness which is of faith speaks likewise, Say not in yours heart, Who shall ascend into heaven? (that is, to bring Christ down from above:)

4Sapagkat tinupad na ni Kristo ang Kautusan, kaya ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay ituturing ng Diyos na matuwid.

5Ganito ang isinulat ni Moises tungkol sa taong itinuturing ng Diyos na matuwid batay sa Kautusan: “Ang taong sumusunod sa Kautusan ay mabubuhay nang ayon sa Kautusan.”

6Ngunit ganito naman ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa pagiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya: “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ba ang aakyat sa langit?’ (upang ibaba si Kristo).

7O di kayaʼy, ‘Sino ang bababa sa lugar ng mga patay?’ (upang ibangon si Kristo mula sa mga patay).”

8Sa halip, sinasabi ng Kasulatan, “Ang salita ng Diyos ay malapit saʼyo; nasa bibig at puso mo.” Itoʼy walang iba kundi ang pananampalatayang ipinapangaral namin:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.