Mga Taga-Roma 10

Sa halip, sinasabi ng Kasulatan, “Ang salita ng Diyos ay malapit saʼyo; nasa bibig at puso mo.” Itoʼy walang iba kundi ang pananampalatayang ipinapangaral namin:

Romans 10:8 (UKJV) But what says it? The word is nigh you, even in your mouth, and in your heart: that is, the word of faith, which we preach;

6Ngunit ganito naman ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa pagiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya: “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ba ang aakyat sa langit?’ (upang ibaba si Kristo).

7O di kayaʼy, ‘Sino ang bababa sa lugar ng mga patay?’ (upang ibangon si Kristo mula sa mga patay).”

8Sa halip, sinasabi ng Kasulatan, “Ang salita ng Diyos ay malapit saʼyo; nasa bibig at puso mo.” Itoʼy walang iba kundi ang pananampalatayang ipinapangaral namin:

9na kung ipapahayag mo na si Hesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Diyos, maliligtas ka.

10Sapagkat itinuturing ng Diyos na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niyang siyaʼy sumasampalataya, maliligtas siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.