Mga Taga-Roma 10

na kung ipapahayag mo na si Hesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Diyos, maliligtas ka.

Romans 10:9 (UKJV) That if you shall confess with your mouth the Lord Jesus, and shall believe in yours heart that God has raised him from the dead, you shall be saved.

7O di kayaʼy, ‘Sino ang bababa sa lugar ng mga patay?’ (upang ibangon si Kristo mula sa mga patay).”

8Sa halip, sinasabi ng Kasulatan, “Ang salita ng Diyos ay malapit saʼyo; nasa bibig at puso mo.” Itoʼy walang iba kundi ang pananampalatayang ipinapangaral namin:

9na kung ipapahayag mo na si Hesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Diyos, maliligtas ka.

10Sapagkat itinuturing ng Diyos na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niyang siyaʼy sumasampalataya, maliligtas siya.

11Sinasabi sa Kasulatan, “Hindi mabibigo ang sinumang sumasampalataya sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.