Mga Taga-Roma 11

Ditoʼy makikita natin ang kabutihan at kabagsikan ng Diyos. Mabagsik siya sa mga nagkakasala, ngunit mabuti siya sa inyo kung mananatili kayo sa kanyang kabutihan. Subalit kung hindi, kayo man ay puputulin din.

Romans 11:22 (UKJV) Behold therefore the goodness and severity of God: on them which fell, severity; but toward you, goodness, if you continue in his goodness: otherwise you also shall be cut off.

20Totoo iyan. Pinutol sila dahil hindi sila sumampalataya kay Kristo, at kayo naman ay idinugtong dahil sumampalataya kayo. Kaya huwag kayong magmataas, sa halip ay matakot kayo.

21Sapagkat kung nagawang putulin ng Diyos ang mga likas na sanga, magagawa rin niya kayong putulin.

22Ditoʼy makikita natin ang kabutihan at kabagsikan ng Diyos. Mabagsik siya sa mga nagkakasala, ngunit mabuti siya sa inyo kung mananatili kayo sa kanyang kabutihan. Subalit kung hindi, kayo man ay puputulin din.

23At kung hindi na magmamatigas ang mga Hudyo, at sa halip ay sasampalataya na sila, idurugtong din silang muli sa puno, dahil kaya itong gawin ng Diyos.

24Sapagkat kung kayong mga sanga ng olibong-ligaw ay naidugtong niya sa olibong inalagaan kahit na hindi ito kadalasang ginagawa, mas madaling idugtong muli ng Diyos ang mga sangang pinutol mula sa dating puno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.