Mga Taga-Roma 11

Totoo iyan. Pinutol sila dahil hindi sila sumampalataya kay Kristo, at kayo naman ay idinugtong dahil sumampalataya kayo. Kaya huwag kayong magmataas, sa halip ay matakot kayo.

Romans 11:20 (UKJV) Well; because of unbelief they were broken off, and you stand by faith. Be not high-minded, but fear:

18Ngunit huwag ninyong isipin na nakahihigit kayo sa mga sangang pinutol. Alalahanin ninyong mga sanga lang kayo; hindi kayo ang bumubuhay sa ugat kundi ang ugat ang bumubuhay sa inyo.

19Maaaring sabihin ninyo, “Pinutol sila upang maidugtong kami.”

20Totoo iyan. Pinutol sila dahil hindi sila sumampalataya kay Kristo, at kayo naman ay idinugtong dahil sumampalataya kayo. Kaya huwag kayong magmataas, sa halip ay matakot kayo.

21Sapagkat kung nagawang putulin ng Diyos ang mga likas na sanga, magagawa rin niya kayong putulin.

22Ditoʼy makikita natin ang kabutihan at kabagsikan ng Diyos. Mabagsik siya sa mga nagkakasala, ngunit mabuti siya sa inyo kung mananatili kayo sa kanyang kabutihan. Subalit kung hindi, kayo man ay puputulin din.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.