Mga Taga-Roma 11

Ngunit huwag ninyong isipin na nakahihigit kayo sa mga sangang pinutol. Alalahanin ninyong mga sanga lang kayo; hindi kayo ang bumubuhay sa ugat kundi ang ugat ang bumubuhay sa inyo.

Romans 11:18 (UKJV) Boast not against the branches. But if you boast, you bear not the root, but the root you.

16Maihahambing natin ang mga Hudyo sa isang tinapay. Kung inihandog sa Diyos ang bahagi ng tinapay, ganoon na rin ang buong tinapay. At kung inihandog sa Diyos ang ugat ng isang puno, ganoon na rin ang mga sanga nito.

17Ang mga Hudyo ay tulad ng isang punong olibo na pinutol ang ilang mga sanga. At kayong mga Hentil ay tulad sa mga sanga ng ligaw na olibo na ikinabit bilang kapalit sa pinutol na mga sanga. Kaya nakabahagi kayo sa mga pagpapala ng Diyos para sa mga Hudyo.

18Ngunit huwag ninyong isipin na nakahihigit kayo sa mga sangang pinutol. Alalahanin ninyong mga sanga lang kayo; hindi kayo ang bumubuhay sa ugat kundi ang ugat ang bumubuhay sa inyo.

19Maaaring sabihin ninyo, “Pinutol sila upang maidugtong kami.”

20Totoo iyan. Pinutol sila dahil hindi sila sumampalataya kay Kristo, at kayo naman ay idinugtong dahil sumampalataya kayo. Kaya huwag kayong magmataas, sa halip ay matakot kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.