Mga Taga-Roma 11

Ang mga Hudyo ay tulad ng isang punong olibo na pinutol ang ilang mga sanga. At kayong mga Hentil ay tulad sa mga sanga ng ligaw na olibo na ikinabit bilang kapalit sa pinutol na mga sanga. Kaya nakabahagi kayo sa mga pagpapala ng Diyos para sa mga Hudyo.

Romans 11:17 (UKJV) And if some of the branches be broken off, and you, being a wild olive tree, were grafted in among them, and with them partake of the root and fatness of the olive tree;

15Kung ang pagtakwil ng Diyos sa mga Hudyo ang naging daan upang makalapit sa kanya ang ibang mga tao sa mundo, hindi baʼt lalo pang malaking kabutihan ang maidudulot kung ang mga Hudyo ay muling tanggapin ng Diyos? Sila ay para na ring muling binuhay.

16Maihahambing natin ang mga Hudyo sa isang tinapay. Kung inihandog sa Diyos ang bahagi ng tinapay, ganoon na rin ang buong tinapay. At kung inihandog sa Diyos ang ugat ng isang puno, ganoon na rin ang mga sanga nito.

17Ang mga Hudyo ay tulad ng isang punong olibo na pinutol ang ilang mga sanga. At kayong mga Hentil ay tulad sa mga sanga ng ligaw na olibo na ikinabit bilang kapalit sa pinutol na mga sanga. Kaya nakabahagi kayo sa mga pagpapala ng Diyos para sa mga Hudyo.

18Ngunit huwag ninyong isipin na nakahihigit kayo sa mga sangang pinutol. Alalahanin ninyong mga sanga lang kayo; hindi kayo ang bumubuhay sa ugat kundi ang ugat ang bumubuhay sa inyo.

19Maaaring sabihin ninyo, “Pinutol sila upang maidugtong kami.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.