Mga Taga-Roma 11

Kung ang pagtakwil ng Diyos sa mga Hudyo ang naging daan upang makalapit sa kanya ang ibang mga tao sa mundo, hindi baʼt lalo pang malaking kabutihan ang maidudulot kung ang mga Hudyo ay muling tanggapin ng Diyos? Sila ay para na ring muling binuhay.

Romans 11:15 (UKJV) For if the casting away of them be the reconciling of the world, what shall the receiving of them be, but life from the dead?

13Ngayon, ito naman ang sasabihin ko sa inyong mga Hentil: Ginawa akong apostol ng Diyos para sa inyo, at ikinararangal ko ang tungkuling ito.

14Baka sakaling sa pamamagitan nito ay magawa kong inggitin ang mga kapwa ko Hudyo upang sumampalataya ang ilan sa kanila at maligtas.

15Kung ang pagtakwil ng Diyos sa mga Hudyo ang naging daan upang makalapit sa kanya ang ibang mga tao sa mundo, hindi baʼt lalo pang malaking kabutihan ang maidudulot kung ang mga Hudyo ay muling tanggapin ng Diyos? Sila ay para na ring muling binuhay.

16Maihahambing natin ang mga Hudyo sa isang tinapay. Kung inihandog sa Diyos ang bahagi ng tinapay, ganoon na rin ang buong tinapay. At kung inihandog sa Diyos ang ugat ng isang puno, ganoon na rin ang mga sanga nito.

17Ang mga Hudyo ay tulad ng isang punong olibo na pinutol ang ilang mga sanga. At kayong mga Hentil ay tulad sa mga sanga ng ligaw na olibo na ikinabit bilang kapalit sa pinutol na mga sanga. Kaya nakabahagi kayo sa mga pagpapala ng Diyos para sa mga Hudyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.