Mga Taga-Roma 11

Pagkatapos niyan, maliligtas ang buong Israel, gaya ng sinasabi sa Kasulatan: “Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas; aalisin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob.

Romans 11:26 (UKJV) And so all Israel shall be saved: as it is written, There shall come out of Sion the Deliverer, and shall turn away ungodliness from Jacob:

24Sapagkat kung kayong mga sanga ng olibong-ligaw ay naidugtong niya sa olibong inalagaan kahit na hindi ito kadalasang ginagawa, mas madaling idugtong muli ng Diyos ang mga sangang pinutol mula sa dating puno.

25Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang isang katotohanan na ngayon ko lang ihahayag sa inyo, upang hindi kayo maging mapagmataas. May ilang Israelitang nagmamatigas, ngunit itoʼy magtatagal lamang hanggang makumpleto ang kabuuang bilang ng mga Hentil na sasampalataya kay Kristo.

26Pagkatapos niyan, maliligtas ang buong Israel, gaya ng sinasabi sa Kasulatan: “Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas; aalisin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob.

27Gagawin ko ang kasunduang ito sa kanila sa araw na aalisin ko ang kanilang kasalanan.”

28Dahil tinanggihan ng mga Hudyo ang Magandang Balita, naging kaaway sila ng Diyos upang kayong mga Hentil ay mabigyan ng pagkakataong maligtas. Ngunit kung ang pagpili ng Diyos ang pag-uusapan, mahal pa rin sila ng Diyos dahil sa kanilang mga ninuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.