26Pagkatapos niyan, maliligtas ang buong Israel, gaya ng sinasabi sa Kasulatan: “Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas; aalisin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob.
27Gagawin ko ang kasunduang ito sa kanila sa araw na aalisin ko ang kanilang kasalanan.”
28Dahil tinanggihan ng mga Hudyo ang Magandang Balita, naging kaaway sila ng Diyos upang kayong mga Hentil ay mabigyan ng pagkakataong maligtas. Ngunit kung ang pagpili ng Diyos ang pag-uusapan, mahal pa rin sila ng Diyos dahil sa kanilang mga ninuno.
29Sapagkat ang Diyos ay hindi nagbabago ng isip sa kanyang pagpili at pagpapala.
30Noong una, kayong mga Hentil ay suwail sa Diyos, ngunit kinahabagan niya kayo dahil sa pagsuway ng mga Hudyo.