Mga Taga-Roma 13

Dapat ninyong gawin ito dahil alam ninyong panahon na para gumising kayo. Sapagkat mas malapit na ngayon ang oras ng ating kaligtasan kaysa noong una, nang tayoʼy sumampalataya kay Hesu-Kristo.

Romans 13:11 (UKJV) And that, knowing the time, that now it is high time to awake out of sleep: for now is our salvation nearer than when we believed.

9Ang mga kautusang, “Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnanakaw, huwag kang maging sakim” at ang mga iba pa ay napapaloob sa iisang kautusan: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”

10Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan.

11Dapat ninyong gawin ito dahil alam ninyong panahon na para gumising kayo. Sapagkat mas malapit na ngayon ang oras ng ating kaligtasan kaysa noong una, nang tayoʼy sumampalataya kay Hesu-Kristo.

12Ngayoʼy madilim pa, ngunit malapit nang mag-umaga. Kaya itigil na natin ang mga ginagawa natin sa dilim at sa halip ay isuot natin ang sandata ng liwanag.

13Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag tayong makibahagi sa magugulong inuman at paglalasing, sa seksuwal na imoralidad, kalaswaan, sa pag-aaway, at sa inggitan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.