10Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan.
11Dapat ninyong gawin ito dahil alam ninyong panahon na para gumising kayo. Sapagkat mas malapit na ngayon ang oras ng ating kaligtasan kaysa noong una, nang tayoʼy sumampalataya kay Hesu-Kristo.
12Ngayoʼy madilim pa, ngunit malapit nang mag-umaga. Kaya itigil na natin ang mga ginagawa natin sa dilim at sa halip ay isuot natin ang sandata ng liwanag.
13Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag tayong makibahagi sa magugulong inuman at paglalasing, sa seksuwal na imoralidad, kalaswaan, sa pag-aaway, at sa inggitan.
14Sa halip, paghariin ninyo sa inyong buhay ang Panginoong Hesu-Kristo, at huwag ninyong pagbigyan ang inyong makamundong pagnanasa.