Mga Taga-Roma 14

Kung nababagabag ang iyong kapatid dahil sa kinakain mo, hindi na naaayon sa pag-ibig ang ginagawa mo. Huwag mong ipapahamak ang kapatid mo kay Kristo dahil lang sa pagkain, dahil namatay rin si Kristo para sa kanya.

Romans 14:15 (UKJV) But if your brother be grieved with your food, now walk you not charitably. Destroy not him with your food, for whom Christ died.

13Kaya nga huwag na nating husgahan ang ating kapwa. Sa halip, iwasan na nating gumawa ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid.

14Dahil nakipag-isa na ako sa Panginoong Hesus, alam ko at natitiyak kong wala talagang bawal na pagkain. Ngunit kung naniniwala ang isang tao na marumi ang isang pagkain, marumi nga ito sa kanya kapag kinain niya.

15Kung nababagabag ang iyong kapatid dahil sa kinakain mo, hindi na naaayon sa pag-ibig ang ginagawa mo. Huwag mong ipapahamak ang kapatid mo kay Kristo dahil lang sa pagkain, dahil namatay rin si Kristo para sa kanya.

16Kaya huwag mong hayaang mapulaan ang anumang sa tingin moʼy mabuti.

17Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa kapwa, at kagalakan na nagmumula sa Banal na Espiritu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.