Mga Taga-Roma 14

Ngunit ang sinumang kumakain nang may pag-aalinlangan ay nagkakasala dahil hindi na ito ayon sa kanyang paniniwala. Sapagkat kasalanan ang anumang bagay na ginagawa natin na hindi ayon sa ating paniniwala.

Romans 14:23 (UKJV) And he that doubts is damned if he eat, because he eats not of faith: for whatsoever is not of faith is sin.

21Mas mabuti pang huwag nang kumain ng karne o uminom ng alak o gawin ang isang bagay kung iyon ang magiging dahilan ng pagkakasala ng iyong kapatid.

22Kaya anuman ang iyong paniniwala sa mga bagay na ito, ikaw na lang at ang Diyos ang dapat makaalam. Mapalad ang taong hindi inuusig ng kanyang konsensiya dahil sa paggawa ng mga bagay na alam niyang tama.

23Ngunit ang sinumang kumakain nang may pag-aalinlangan ay nagkakasala dahil hindi na ito ayon sa kanyang paniniwala. Sapagkat kasalanan ang anumang bagay na ginagawa natin na hindi ayon sa ating paniniwala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.