1Tayong malalakas sa pananampalataya ay dapat tumulong sa mga kapatid nating mahihina. Hindi lang ang sarili nating kapakanan ang dapat nating isipin,
2kundi ang kapakanan din ng iba, upang mapalakas ang kanilang pananampalataya.
3Maging si Kristo ay hindi hinangad ang sariling kapakanan, kundi ayon sa Kasulatan, “Nasaktan din ako sa mga panlalait na ginawa sa inyo.”