Mga Taga-Roma 14

Ito ang dahilan kung bakit namatay at muling nabuhay si Kristo, upang maging Panginoon siya ng mga buháy at mga patay.

Romans 14:9 (UKJV) In order to this end Christ both died, and rose, and revived, that he might be Lord both of the dead and living.

7Wala ni isa man sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang.

8Kung tayoʼy nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayoʼy mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya mabuhay man tayo o mamatay, tayoʼy sa Panginoon.

9Ito ang dahilan kung bakit namatay at muling nabuhay si Kristo, upang maging Panginoon siya ng mga buháy at mga patay.

10Kaya huwag ninyong huhusgahan o hahamakin ang inyong kapatid kay Kristo. Dahil tayong lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos.

11Sapagkat sinasabi sa Kasulatan: “Ako, ang Panginoon na buháy ay sumusumpa, darating ang araw na ang lahat ng tao ay luluhod sa akin at kikilalanin akong Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.