8Kung tayoʼy nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayoʼy mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya mabuhay man tayo o mamatay, tayoʼy sa Panginoon.
9Ito ang dahilan kung bakit namatay at muling nabuhay si Kristo, upang maging Panginoon siya ng mga buháy at mga patay.
10Kaya huwag ninyong huhusgahan o hahamakin ang inyong kapatid kay Kristo. Dahil tayong lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos.
11Sapagkat sinasabi sa Kasulatan: “Ako, ang Panginoon na buháy ay sumusumpa, darating ang araw na ang lahat ng tao ay luluhod sa akin at kikilalanin akong Diyos.”
12Kaya lahat tayoʼy mananagot sa Diyos sa lahat ng ating mga ginawa.