22Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakarating diyan sa inyo.
23Ngunit ngayong natapos ko na ang mga gawain ko rito, at dahil matagal ko nang gustong pumunta riyan,
24inaasahan kong magkikita-kita na tayo ngayon. Dadaan ako riyan sa pagpunta ko sa España. At alam kong magiging masaya ako sa ating pagkikita kahit saglit lang. Inaasahan ko rin na matutulungan ninyo ako sa pagpunta ko sa España mula riyan.
25Ngunit sa ngayon, kailangan ko munang pumunta sa Jerusalem para ihatid ang tulong sa mga hinirang ng Diyos.
26Sapagkat minabuti ng mga kapatid sa Macedonia at Acaya na magbigay ng tulong para sa mga mahihirap na hinirang ng Diyos doon sa Jerusalem.