6Sa ganoon, sama-sama kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
7Kaya tanggapin ninyo ang isaʼt isa gaya nang pagtanggap ni Kristo sa inyo upang mapapurihan ang Diyos.
8Sapagkat sinasabi ko sa inyo na isinugo ng Diyos si Kristo upang maglingkod sa mga Hudyo at ipakita na ang Diyos ay tapat sa pagtupad ng kanyang mga pangako sa kanilang mga ninuno,
9at upang magpuri sa Diyos ang mga Hentil dahil sa kanyang habag. Ayon nga sa Kasulatan: “Pasasalamatan kita sa harap ng mga Hentil, at aawit ako ng mga papuri sa iyo.”
10At sinabi pa sa Kasulatan: “Kayong mga Hentil, makigalak kayo sa mga taong sakop ng Diyos.”