Mga Taga-Roma 15

at upang magpuri sa Diyos ang mga Hentil dahil sa kanyang habag. Ayon nga sa Kasulatan: “Pasasalamatan kita sa harap ng mga Hentil, at aawit ako ng mga papuri sa iyo.”

Romans 15:9 (UKJV) And that the Gentiles might glorify God for his mercy; as it is written, For this cause I will confess to you among the Gentiles, and sing unto your name.

7Kaya tanggapin ninyo ang isaʼt isa gaya nang pagtanggap ni Kristo sa inyo upang mapapurihan ang Diyos.

8Sapagkat sinasabi ko sa inyo na isinugo ng Diyos si Kristo upang maglingkod sa mga Hudyo at ipakita na ang Diyos ay tapat sa pagtupad ng kanyang mga pangako sa kanilang mga ninuno,

9at upang magpuri sa Diyos ang mga Hentil dahil sa kanyang habag. Ayon nga sa Kasulatan: “Pasasalamatan kita sa harap ng mga Hentil, at aawit ako ng mga papuri sa iyo.”

10At sinabi pa sa Kasulatan: “Kayong mga Hentil, makigalak kayo sa mga taong sakop ng Diyos.”

11At sinabi pa, “Kayong lahat na mga Hentil, purihin ninyo ang Panginoon. Kayong lahat, purihin siya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.