Mga Taga-Roma 16

Ang mga taong ganyan ay hindi naglilingkod sa Panginoong Hesu-Kristo, kundi sa pansarili nilang hangarin. Dinadaya nila ang mga walang muwang sa pamamagitan ng mahuhusay nilang pananalita at pambobola.

Romans 16:18 (UKJV) For they that are such serve not our Lord Jesus Christ, but their own belly; and by good words and fair speeches deceive the hearts of the simple.

16Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Kristo. Kinukumusta kayo ng lahat ng iglesya ni Kristo rito.

17Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: Mag-ingat kayo sa mga taong lumilikha ng pagkakahati-hati at gumugulo sa pananampalataya ninyo. Nangangaral sila laban sa mga aral na natanggap ninyo sa amin. Kaya iwasan ninyo sila.

18Ang mga taong ganyan ay hindi naglilingkod sa Panginoong Hesu-Kristo, kundi sa pansarili nilang hangarin. Dinadaya nila ang mga walang muwang sa pamamagitan ng mahuhusay nilang pananalita at pambobola.

19Balitang-balita sa lahat ang inyong katapatan sa pagsunod sa Panginoon, at nagagalak ako dahil diyan. Ngunit gusto kong maging matalino kayo sa mga bagay na mabuti, at walang alam sa paggawa ng kasamaan.

20Ang Diyos ang nagbibigay ng kapayapaan, at malapit na niyang durugin si Satanas sa pamamagitan ninyo. Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.