Mga Taga-Roma 16

Balitang-balita sa lahat ang inyong katapatan sa pagsunod sa Panginoon, at nagagalak ako dahil diyan. Ngunit gusto kong maging matalino kayo sa mga bagay na mabuti, at walang alam sa paggawa ng kasamaan.

Romans 16:19 (UKJV) For your obedience has come abroad unto all men. I am glad therefore on your behalf: but yet I would have you wise unto that which is good, and simple concerning evil.

17Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: Mag-ingat kayo sa mga taong lumilikha ng pagkakahati-hati at gumugulo sa pananampalataya ninyo. Nangangaral sila laban sa mga aral na natanggap ninyo sa amin. Kaya iwasan ninyo sila.

18Ang mga taong ganyan ay hindi naglilingkod sa Panginoong Hesu-Kristo, kundi sa pansarili nilang hangarin. Dinadaya nila ang mga walang muwang sa pamamagitan ng mahuhusay nilang pananalita at pambobola.

19Balitang-balita sa lahat ang inyong katapatan sa pagsunod sa Panginoon, at nagagalak ako dahil diyan. Ngunit gusto kong maging matalino kayo sa mga bagay na mabuti, at walang alam sa paggawa ng kasamaan.

20Ang Diyos ang nagbibigay ng kapayapaan, at malapit na niyang durugin si Satanas sa pamamagitan ninyo. Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Hesus.

21Kinukumusta kayo ni Timoteo na kamanggagawa sa Panginoon, at nina Lucio, Jason at Sosipatro na mga kapwa ko Hudyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.