21Kinukumusta kayo ni Timoteo na kamanggagawa sa Panginoon, at nina Lucio, Jason at Sosipatro na mga kapwa ko Hudyo.
22(Kinukumusta ko rin kayo. Ako si Tercio na nasa Panginoon din na siyang sumulat ng liham na ito ni Pablo.)
23Kinukumusta rin kayo ni Gayo, na nagpatulóy sa akin at sa mga mananampalataya dito sa kanyang bahay. Kinukumusta rin kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lungsod at ng ating kapatid na si Cuarto. [
24Pagpalain kayong lahat ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Amen.]
25Purihin natin ang Diyos na siyang makakapagpatibay sa pananampalataya ninyo ayon sa Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ang Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristo ay inilihim nang matagal na panahon,