Mga Taga-Roma 16

Purihin natin ang Diyos na siyang makakapagpatibay sa pananampalataya ninyo ayon sa Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ang Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristo ay inilihim nang matagal na panahon,

Romans 16:25 (UKJV) Now to him that is of power to establish you according to my gospel, and the preaching of Jesus Christ, according to the revelation of the mystery, which was kept secret since the world began,

23Kinukumusta rin kayo ni Gayo, na nagpatulóy sa akin at sa mga mananampalataya dito sa kanyang bahay. Kinukumusta rin kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lungsod at ng ating kapatid na si Cuarto. [

24Pagpalain kayong lahat ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Amen.]

25Purihin natin ang Diyos na siyang makakapagpatibay sa pananampalataya ninyo ayon sa Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ang Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristo ay inilihim nang matagal na panahon,

26ngunit ipinahayag na ngayon sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta. Itoʼy ayon sa utos ng walang kamatayang Diyos, upang ang lahat ng tao ay sumampalataya at sumunod sa kanya.

27Purihin natin ang Diyos na tanging nakakaalam ng lahat. Purihin natin siya magpakailanman sa pamamagitan ni Hesu-Kristo! Amen.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.