Mga Taga-Roma 16

Kumusta rin kina Andronico at Junias, mga kapwa kong Hudyo at nakasama ko sa bilangguan. Nauna silang naging Kristiyano kaysa sa akin, at kilalang-kilala sila ng mga apostol.

Romans 16:7 (UKJV) Salute Andronicus and Junia, my kinsmen, and my fellow-prisoners, who are of note among the apostles, who also were in Christ before me.

5Ikumusta rin ninyo ako sa mga mananampalatayang nagtitipon sa kanilang tahanan. Ipaabot din ninyo ang pangungumusta ko sa minamahal kong kaibigan na si Epeneto. Siya ang unang sumampalataya kay Kristo Hesus sa probinsya ng Asia.

6Ikumusta rin ninyo ako kay Maria, na nagsikap nang husto para sa inyo.

7Kumusta rin kina Andronico at Junias, mga kapwa kong Hudyo at nakasama ko sa bilangguan. Nauna silang naging Kristiyano kaysa sa akin, at kilalang-kilala sila ng mga apostol.

8Ikumusta rin ninyo ako sa minamahal kong kaibigan sa Panginoon na si Ampliato.

9Kumusta rin kay Urbano na kamanggagawa kay Kristo, at ganoon din sa minamahal kong kaibigan na si Estakis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.