Mga Taga-Roma 16

Ikumusta rin ninyo ako kay Maria, na nagsikap nang husto para sa inyo.

Romans 16:6 (UKJV) Greet Mary, who bestowed much labour on us.

4Itinaya nila ang kanilang buhay alang-alang sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanila, at hindi lang ako kundi pati na rin ang lahat ng iglesya ng mga Hentil.

5Ikumusta rin ninyo ako sa mga mananampalatayang nagtitipon sa kanilang tahanan. Ipaabot din ninyo ang pangungumusta ko sa minamahal kong kaibigan na si Epeneto. Siya ang unang sumampalataya kay Kristo Hesus sa probinsya ng Asia.

6Ikumusta rin ninyo ako kay Maria, na nagsikap nang husto para sa inyo.

7Kumusta rin kina Andronico at Junias, mga kapwa kong Hudyo at nakasama ko sa bilangguan. Nauna silang naging Kristiyano kaysa sa akin, at kilalang-kilala sila ng mga apostol.

8Ikumusta rin ninyo ako sa minamahal kong kaibigan sa Panginoon na si Ampliato.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.