Mga Taga-Roma 2

Sa katunayan, wala ang Kautusan sa mga Hentil. Ngunit kapag kusa nilang ginagawa ang hinihiling ng Kautusan, ito na ang nagiging tuntunin nila, kahit hindi nila narinig ang Kautusan.

Romans 2:14 (UKJV) For when the Gentiles, which have not the law, do by nature the things contained in the law, these, having not the law, are a law unto themselves:

12Ang mga Hentil, dahil wala sa kanila ang Kautusan ay hahatulan na hindi ayon sa Kautusan kapag silaʼy nagkasala. Ang mga Hudyo naman, dahil nasa kanila ang Kautusan ay hahatulan ayon sa Kautusan kapag silaʼy nagkasala.

13Sapagkat hindi ang nakikinig sa Kautusan ang itinuturing ng Diyos na matuwid kundi ang tumutupad nito.

14Sa katunayan, wala ang Kautusan sa mga Hentil. Ngunit kapag kusa nilang ginagawa ang hinihiling ng Kautusan, ito na ang nagiging tuntunin nila, kahit hindi nila narinig ang Kautusan.

15Ang mabubuting gawa nila ay nagpapakita na ang iniuutos ng Kautusan ay nakaukit sa kanilang puso. Pinatutunayan ito ng kanilang konsensiya, dahil kung minsaʼy inuusig sila nito at kung minsan namaʼy ipinagtatanggol.

16At ayon sa Magandang Balitang itinuturo ko, ang konsensiya ay pagbabatayan din sa araw na hahatulan ng Diyos, sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, ang lahat ng lihim ng mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.