Mga Taga-Roma 2

Ang mabubuting gawa nila ay nagpapakita na ang iniuutos ng Kautusan ay nakaukit sa kanilang puso. Pinatutunayan ito ng kanilang konsensiya, dahil kung minsaʼy inuusig sila nito at kung minsan namaʼy ipinagtatanggol.

Romans 2:15 (UKJV) Which show the work of the law written in their hearts, their conscience also bearing witness, and their thoughts the mean while accusing or else excusing one another;)

13Sapagkat hindi ang nakikinig sa Kautusan ang itinuturing ng Diyos na matuwid kundi ang tumutupad nito.

14Sa katunayan, wala ang Kautusan sa mga Hentil. Ngunit kapag kusa nilang ginagawa ang hinihiling ng Kautusan, ito na ang nagiging tuntunin nila, kahit hindi nila narinig ang Kautusan.

15Ang mabubuting gawa nila ay nagpapakita na ang iniuutos ng Kautusan ay nakaukit sa kanilang puso. Pinatutunayan ito ng kanilang konsensiya, dahil kung minsaʼy inuusig sila nito at kung minsan namaʼy ipinagtatanggol.

16At ayon sa Magandang Balitang itinuturo ko, ang konsensiya ay pagbabatayan din sa araw na hahatulan ng Diyos, sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, ang lahat ng lihim ng mga tao.

17Sinasabi ninyo na mga Hudyo kayo, nagtitiwala kayo sa Kautusan at ipinagmamalaki ang inyong kaugnayan sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.