27Kahit na kayo ay mga Hudyo at tuli, papatunayan ng mga Hentil na dapat kayong parusahan. Sapagkat kahit na hindi sila tuli at wala sa kanila ang Kautusan, sinusunod naman nila ito, samantalang kayong mga may hawak ng Kautusan ay lumalabag dito.
28Ang pagka-Hudyo ng isang tao ay hindi dahil sa Hudyo ang kanyang mga magulang at tuli siya sa laman.
29Ang tunay na Hudyo ay ang taong nabago ang puso sa pamamagitan ng Espiritu, at hindi dahil tuli siya ayon sa Kautusan. Ang ganyang tao ay pinararangalan ng Diyos kahit hindi pinupuri ng tao.