Mga Taga-Roma 4

Kung itinuring ng Diyos si Abraham na matuwid dahil sa mga nagawa niya, sanaʼy may maipagmamalaki siya. Ngunit wala siyang maipagmamalaki sa Diyos,

Romans 4:2 (UKJV) For if Abraham were justified by works, he has whereof to glory; but not before God.

1Bilang halimbawa kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao, isipin ninyo si Abraham na ama ng mga Hudyo sa laman.

2Kung itinuring ng Diyos si Abraham na matuwid dahil sa mga nagawa niya, sanaʼy may maipagmamalaki siya. Ngunit wala siyang maipagmamalaki sa Diyos,

3dahil sinasabi ng Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Diyos, at dahil ditoʼy itinuring siyang matuwid ng Diyos.”

4Ang ibinibigay sa isang taong nagtatrabaho ay hindi regalo kundi bayad sa kanyang pagod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.