20Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos, kundi lalo pang tumibay ang kanyang pananampalataya. Pinapurihan niya ang Diyos
21dahil lubos siyang umasa na tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako.
22Kaya nga, itinuring ng Diyos na matuwid si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.
23Ngunit ang katagang, “itinuring na matuwid,” ay hindi lamang para kay Abraham,
24kundi para rin sa atin. Tayo man ay itinuturing ng Diyos na matuwid kung sumasampalataya tayo sa kanya na muling bumuhay sa ating Panginoong Hesus.