Mga Taga-Roma 4

Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos, kundi lalo pang tumibay ang kanyang pananampalataya. Pinapurihan niya ang Diyos

Romans 4:20 (UKJV) He staggered not at the promise of God through unbelief; but was strong in faith, giving glory to God;

18Kahit na wala nang pag-asang maging ama si Abraham, nanalig pa rin siyang magiging ama siya ng maraming bansa; gaya nga ng sinabi ng Diyos sa kanya, “Magiging kasindami ng bituin ang bilang ng mga anak mo.”

19Mag-iisang daang taóng gulang na siya noon. Alam niyang matanda na siya at mahina na ang katawan. Alam din niyang si Sara ay baog at hindi maaaring magkaanak. Ganoon pa man, hindi nanghina ang kanyang pananampalataya.

20Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos, kundi lalo pang tumibay ang kanyang pananampalataya. Pinapurihan niya ang Diyos

21dahil lubos siyang umasa na tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako.

22Kaya nga, itinuring ng Diyos na matuwid si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.