5Ngunit itinuring tayong matuwid ng Diyos sa kabila ng ating mga kasalanan hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa pananampalataya natin sa kanya.
6Ito rin ang ibig sabihin ni David nang sabihin niyang pinagpala ang mga taong itinuring na matuwid ng Diyos nang hindi dahil sa kanilang sariling gawa.
7Sinabi niya, “Pinagpala ang taong pinatawad at kinalimutan na ng Diyos ang kanyang kasalanan.
8Pinagpala ang tao na hindi na papanagutin ng Panginoon sa kanyang kasalanan.”
9Ang pagpapala bang ito ay para lamang sa mga Hudyo, o para din sa mga Hentil? Alam natin ito dahil binanggit na namin na, “itinuring ng Diyos na matuwid si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.”