Mga Taga-Roma 4

Ang pagpapala bang ito ay para lamang sa mga Hudyo, o para din sa mga Hentil? Alam natin ito dahil binanggit na namin na, “itinuring ng Diyos na matuwid si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.”

Romans 4:9 (UKJV) Comes this blessedness then upon the circumcision only, or upon the uncircumcision also? for we say that faith was reckoned to Abraham for righteousness.

7Sinabi niya, “Pinagpala ang taong pinatawad at kinalimutan na ng Diyos ang kanyang kasalanan.

8Pinagpala ang tao na hindi na papanagutin ng Panginoon sa kanyang kasalanan.”

9Ang pagpapala bang ito ay para lamang sa mga Hudyo, o para din sa mga Hentil? Alam natin ito dahil binanggit na namin na, “itinuring ng Diyos na matuwid si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.”

10Kailan ba siya itinuring na matuwid? Matapos ba o bago siya tuliin? Hindi baʼt noong hindi pa siya tuli?

11Tinuli siya bilang tanda na itinuring na siyang matuwid dahil sa kanyang pananampalataya. Kaya si Abraham ay naging ama ng lahat ng mga mananampalatayang hindi tuli. At dahil nga sa kanilang pananampalataya, itinuring silang matuwid ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.