13Gaya nga ng sinabi ng Diyos sa Kasulatan, “Minahal ko si Jacob, ngunit si Esau ay kinapootan ko.”
14Kung gayon, ano ang dapat nating sabihin? Masasabi ba nating hindi makatarungan ang Diyos? Aba, hindi!
15Sapagkat sinabi niya kay Moises: “Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan.”
16Kaya ang pagpili ng Diyos ay hindi batay sa kagustuhan ng tao o sa paggawa niya ng mabuti, kundi sa awa ng Diyos.