14Kung gayon, ano ang dapat nating sabihin? Masasabi ba nating hindi makatarungan ang Diyos? Aba, hindi!
15Sapagkat sinabi niya kay Moises: “Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan.”
16Kaya ang pagpili ng Diyos ay hindi batay sa kagustuhan ng tao o sa paggawa niya ng mabuti, kundi sa awa ng Diyos.
17Sapagkat ayon sa Kasulatan, sinabi ng Diyos sa Faraon, “Ginawa kitang hari para sa layuning ito: upang maipakita ko ang aking kapangyarihan sa pamamagitan mo at makilala ang pangalan ko sa buong mundo.”
18Nangangahulugan ito na kinaaawaan ng Diyos ang gusto niyang kaawaan, at pinatitigas niya ang puso ng iba kaya hindi na talaga sila nakikinig.