Mga Taga-Roma 9

Nangangahulugan ito na kinaaawaan ng Diyos ang gusto niyang kaawaan, at pinatitigas niya ang puso ng iba kaya hindi na talaga sila nakikinig.

Romans 9:18 (UKJV) Therefore has he mercy on whom he will have mercy, and whom he will he hardens.

16Kaya ang pagpili ng Diyos ay hindi batay sa kagustuhan ng tao o sa paggawa niya ng mabuti, kundi sa awa ng Diyos.

17Sapagkat ayon sa Kasulatan, sinabi ng Diyos sa Faraon, “Ginawa kitang hari para sa layuning ito: upang maipakita ko ang aking kapangyarihan sa pamamagitan mo at makilala ang pangalan ko sa buong mundo.”

18Nangangahulugan ito na kinaaawaan ng Diyos ang gusto niyang kaawaan, at pinatitigas niya ang puso ng iba kaya hindi na talaga sila nakikinig.

19Maaaring may magsabi sa akin, “Kung ganoon, bakit pa niya pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan? Ginagawa lang naman nila ang ayon sa kanyang kalooban?”

20Ngunit sino ka para magreklamo sa Diyos? Tayoʼy mga nilikha lang ng Diyos, kaya hindi tayo dapat magreklamo. Nararapat bang sabihin ng nilikha sa lumikha sa kanya, “Bakit mo ako nilikha nang ganito?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.