Mga Taga-Roma 9

Maaaring may magsabi sa akin, “Kung ganoon, bakit pa niya pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan? Ginagawa lang naman nila ang ayon sa kanyang kalooban?”

Romans 9:19 (UKJV) You will say then unto me, Why does he yet find fault? For who has resisted his will?

17Sapagkat ayon sa Kasulatan, sinabi ng Diyos sa Faraon, “Ginawa kitang hari para sa layuning ito: upang maipakita ko ang aking kapangyarihan sa pamamagitan mo at makilala ang pangalan ko sa buong mundo.”

18Nangangahulugan ito na kinaaawaan ng Diyos ang gusto niyang kaawaan, at pinatitigas niya ang puso ng iba kaya hindi na talaga sila nakikinig.

19Maaaring may magsabi sa akin, “Kung ganoon, bakit pa niya pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan? Ginagawa lang naman nila ang ayon sa kanyang kalooban?”

20Ngunit sino ka para magreklamo sa Diyos? Tayoʼy mga nilikha lang ng Diyos, kaya hindi tayo dapat magreklamo. Nararapat bang sabihin ng nilikha sa lumikha sa kanya, “Bakit mo ako nilikha nang ganito?”

21Tulad ng isang magpapalayok, may karapatan siyang hubugin ang putik ayon sa gusto niya. May karapatan siyang gumawa ng dalawang uri ng sisidlan mula sa iisang tumpok ng putik: Ang isa ay espesyal, at ang isa naman ay karaniwan lang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.