23Ginawa niya ito upang ipakita kung gaano siya kadakila sa mga taong kinaaawaan niya, na inihanda na niya noon pa para sa kaluwalhatian.
24Itoʼy walang iba kundi tayong mga tinawag niya, hindi lang mula sa mga Hudyo kundi mula rin sa mga Hentil.
25Ito ang sinabi ng Diyos sa aklat ni Hosea: “Ang dating hindi ko bayan ay tatawagin kong, ‘bayan ko’. At ang dating hindi ko mahal ay tatawagin kong ‘mahal ko’.”
26At, “Sa mismong lugar kung saan silaʼy sinabihang, ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’ silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Diyos na buháy.’ ”
27Tungkol naman sa mga Israelita, sinabi ni Propeta Isaias: “Kahit maging kasindami man ng buhangin sa tabing-dagat ang lahi ni Israel, kaunti lang ang maliligtas sa kanila.