Mga Taga-Roma 9

Tungkol naman sa mga Israelita, sinabi ni Propeta Isaias: “Kahit maging kasindami man ng buhangin sa tabing-dagat ang lahi ni Israel, kaunti lang ang maliligtas sa kanila.

Romans 9:27 (UKJV) Isaiah also cries concerning Israel, Though the number of the children of Israel be as the sand of the sea, a remnant shall be saved:

25Ito ang sinabi ng Diyos sa aklat ni Hosea: “Ang dating hindi ko bayan ay tatawagin kong, ‘bayan ko’. At ang dating hindi ko mahal ay tatawagin kong ‘mahal ko’.”

26At, “Sa mismong lugar kung saan silaʼy sinabihang, ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’ silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Diyos na buháy.’ ”

27Tungkol naman sa mga Israelita, sinabi ni Propeta Isaias: “Kahit maging kasindami man ng buhangin sa tabing-dagat ang lahi ni Israel, kaunti lang ang maliligtas sa kanila.

28Sapagkat mabilis at matindi ang gagawing paghatol ng Panginoon sa mundo.”

29Sinabi rin ni Isaias, “Kung ang Panginoong Makapangyarihan ay walang itinira sa ating lahi, natulad na sana tayo sa Sodoma at Gomora.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.