Mga Taga-Roma 9

Ano ngayon ang ating masasabi? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging matuwid ay itinuring ng Diyos na matuwid nang dahil sa kanilang pananampalataya.

Romans 9:30 (UKJV) What shall we say then? That the Gentiles, which followed not after righteousness, have attained to righteousness, even the righteousness which is of faith.

28Sapagkat mabilis at matindi ang gagawing paghatol ng Panginoon sa mundo.”

29Sinabi rin ni Isaias, “Kung ang Panginoong Makapangyarihan ay walang itinira sa ating lahi, natulad na sana tayo sa Sodoma at Gomora.”

30Ano ngayon ang ating masasabi? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging matuwid ay itinuring ng Diyos na matuwid nang dahil sa kanilang pananampalataya.

31Ngunit ang sambayanang Israel na nagsikap na maituring na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod nila sa Kautusan ay nabigo.

32Bakit sila nabigo? Sapagkat nagtiwala sila sa kanilang mga gawa at hindi sila sumampalataya kay Hesu-Kristo. Natisod sila sa “batong nakakatisod.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.