30Ano ngayon ang ating masasabi? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging matuwid ay itinuring ng Diyos na matuwid nang dahil sa kanilang pananampalataya.
31Ngunit ang sambayanang Israel na nagsikap na maituring na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod nila sa Kautusan ay nabigo.
32Bakit sila nabigo? Sapagkat nagtiwala sila sa kanilang mga gawa at hindi sila sumampalataya kay Hesu-Kristo. Natisod sila sa “batong nakakatisod.”
33Gaya nga ng sinabi ng Diyos sa Kasulatan: “Maglalagay ako sa Zion ng batong katitisuran sa mga tao, at magpapadapa sa kanila. Ngunit hindi mapapahiya ang mga sumasampalataya sa kanya.”