4Bilang mga Israelita, itinuring sila ng Diyos na kanyang mga anak. Ipinakita niya sa kanila ang kanyang kadakilaan. Gumawa ang Diyos ng mga kasunduan sa kanila at ibinigay rin ang Kautusan sa kanila. Tinuruan sila ng tunay na pagsamba at maraming ipinangako ang Diyos sa kanila.
5Ang kanilang mga ninunoʼy mga pinili ng Diyos, at sa kanilang lahi nagmula ang Mesias nang siyaʼy maging tao. Siya ang Diyos na makapangyarihan sa lahat na dapat purihin magpakailanman! Amen.
6Hindi ito nangangahulugan na hindi natupad ang mga pangako ng Diyos sa lahi ni Israel dahil hindi sila sumampalataya, sapagkat hindi lahat ng mga Israelita ay kabilang sa mga taong pinili ng Diyos.
7At hindi rin naman lahat ng nagmula kay Abraham ay maituturing na mga anak ni Abraham. Sapagkat sinabi ng Diyos kay Abraham, “Si Isaac na iyong anak ang pagmumulan ng ibibilang na lahi mo.”
8Ang ibig sabihin, hindi lahat ng anak ni Abraham ay maituturing na anak ng Diyos, kundi ang mga anak lamang na ipinanganak ayon sa pangako.